Thursday, November 5, 2009

BATIKOS NI NOYNOY ‘HUDYAT NG GYERA'


BATIKOS NI NOYNOY ‘HUDYAT NG GYERA
Nagdeklara ng gyera laban sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita si Senador Benigno “Noynoy” Aquino III, standard bearer ng LP, nang batikusin niya ang una.
Sinabi ni Randall Echanis, deputy secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na animoy “DECLARATION OF WAR AGAINST FARMERS” ang pagbatikos ni Aquino sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)
Nauna rito ay nagpakita ng pagkapikon si Aquino sa grupo ng mga magsasaka nang sabihin niyan hindi dapat gamitin ang isyu ng nabanggit na lupain sa kanyang kandidatura at sa paggiit sa pamilya Cojuangco at Aquino na ibigay ang kahilingan ng mga ito.
“Senator Aquino’s response to demands for social justice is totally disgusting. It’s an insult to Luisita farmer’s just and legitimate demand for genuine agrarian reform. It is a declaration of war against framers,” ayon kay Echanis.
Inilarawan kng KMP na “rubbing salt to the wounds of the victims of Hacienda Luisita Massacre” ang ibinigay na palugit ng mga Cojuangco na Nobyember 15 para lisanin ng mga magsasaka ang hacienca. Meliza Maluntag Remate Tonight ,Friday November 6, 2009

No comments:

Post a Comment